Para Kay Nai, Isang Alon
Pag-ibig
sa panahong
digmaan
ang palaging
iniisip, sinasambit, ginagawa.
Sana naman
nagkaroon,
kahit saglit,
ng panahong umibig
bago ka nila pinaslang.
Hindi sa atin
ang digmaang
ito.
Ngunit inangkin
mo, inalagaan, inalayan
ng buhay.
Digmaan,
panahon lamang
ang
sa iyo.
Digmaan,
ipinagkait mo
ang buhay ng
isang kaibigan
ko.
----------------------------
Enero 13, 2010
Sapagkat naalala ko ang isang pag-uusap natin tungkol sa isang kasamang marikit.
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/regions/view/20100111-246729/UP-student-pal-killed-in-clash-with-troops